Magsasaka, patay matapos suwagin ng sariling kalabaw

(Image: Pexels)

Nasawi ang isang magsasaka mula Bangued, Abra matapos umanong banggain ng alaga niyang kalabaw.

Ayon sa ulat ng GMA News, hinihila raw ng 56-anyos na biktimang si Rudy Batalon, 56, ang kanyang kalabaw bago mangyari ang insidente.

Nakita pa raw ito ng isang residente ang nangyari ngunit hindi na raw niya nagawang tulungan si Batalon.


Sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay nito ayon sa report.

Samantala, plano namang ibenta ng pamilya ng biktima ang nagturang kalabaw.

Facebook Comments