Magsasaka, Patay nang Aksidenteng Mataga ang Kanyang Hita!

195

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang magsasaka sa Lalawigan ng Cagayan nang aksidenteng mataga ang kanyang kaliwang hita.

Kinilala ang biktima na si Ronel Gutierez, 55 taong gulang, walang asawa, at residente ng Brgy. Macatel, Sta. Praxedes, Cagayan.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nagtungo mismo sa liblib na lugar ng brgy Macatel ang tropa ng PNP Sta Praxedes upang beripikahin ang impormasyon na iniulat ng Brgy. Kapitan ng Centro 1 ng naturang bayan.

Nang dumating sa lugar ang mga pulis ay wala nang buhay ang biktima.

Lumabas sa kanilang imbestigasyon at postmortem examination na namatay ang biktima dahil sa patuloy at sobrang pagdurugo ng kanyang natagang hita.

Facebook Comments