Magsasaka, Patay nang Saksakin sa Inuman!

*Cauayan City, Isabela-* Patay ang isang magsasaka nang masaksak sa isang inuman sa Dacanay St. P4, San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jerry Siobal Jr., 40 anyos, isang balo at residente ng Rogus, Cauayan City, Isabela habang ang suspek ay kinilalang si Anthony Cabaldo,nasa hustong gulang, isang helper na taga Palanan, Isabela at pansamantalang naninirahan sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nang makaubos ng ilang bote ng alak ang suspek kasama ang mga kaibigan ay bigla itong lumapit sa table ng biktima at basta na lamang itong inundayan ng saksak gamit ang isang kutsilyo.


Agad namang dinala ng rumespondeng Rescue 922 sa pagamutan ang biktima matapos magtamo ng dalawang saksak sa kaliwang bahagi ng katawan subalit idineklara din itong dead on arrival.

Sa ngayon ay tinutugis na ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang suspek na tumakas matapos ang nasabing pangyayari.

Facebook Comments