Magsasaka, Patay nang tamaan ng Kidlat sa San Isidro, Isabela!

51

*San Isidro, Isabela*- Wala nang buhay ng matagpuan ng isang residente ang isang magsasaka sa Brgy. Quezon, San Isidro, Isabela kahapon, June 13, 2019.

Kinilala ang biktima na si Balbino Dela Cruz, nasa tamang edad at residente ng nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa San Isidro PNP, nakatanggap umano ang pulisya ng impormasyon mula sa nagpakilalang Richard Saflor ng Doňa Paulina sa nasabing bayan na siyang nakakita sa wala nang buhay ng biktima bandang 6:30 ng umaga kahapon.

Napag alaman pa ng pulisya na mistulang may paso ang kanang hita ng biktima na pinaniniwalaang tinamaan ng kidlat dahil sa naranasang pag uulan sa kanilang lugar ng mga nagdaang araw.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers