Magsasaka patay sa pamamaril sa Arakan North Cotabato

Patay ang isang magsasaka ng itoy pagbabarilin ss bahagi ng sitio Napunangan Barangay Tumanding sa bayan ng Arakan sa lalawigan ng North Cotabato pasado alas 7 kagabi. Kinilala ang biktima na si Tony Bidtao Bagulo 32 anyos, may asawa at nakatira sa nabanggit na lugar.
Tinamaan sa ulo ang biktima na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan. Tinukoy naman ang suspect na isang Enrique Carado Jr.alyas Jun. Personal grudge naman ang nakikitang motibo sa krimen.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments