Magsasaka patay sa pamamaril sa bayan ng Pikit North Cotabato

Isang 45 anyos na lalaki ang panibagong biktima ng pamamaril sa bayan ng Pikit North Cotabato dakong alas 3:50 nitong hapon ng Miyerkules Sept 27. Kinilala ang biktima na si Mustapha Talib, isang magsassks 45 anyos, may asawa at residente ng barangay Malapag sa bayan ng Aleosan North Cotabato.
Sa report ng Pikit Pnp katatapos lamang manood ng motocross racing ang biktima kasama ang anak na si Mohalidin 17 anyos at isang pamangkin sa FortPikit at sa kanilang pagtungo sa palengke ay dito na binaril ang biktima ng hindi pa kilalang suspect gamit ang 45 kalibre na baril.
Sa ulo at tiyan ang tama ni Mustapha at nagawa pang maisugod sa pagamutan subalit binawian din ng buhay.
Personal grudge ang isa sa nakikitang motibo ng Pikit Pnp sa insidente ng pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments