Magsasaka, Patay sa Santiago City!

*Santiago City- *Wala nang buhay ang isang magsasaka nang madatnan ng sariling nanay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Villa Gonzaga, Santiago City.

Kinilala ang nasawi na si Armando Andres Jr., 34 anyos, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, nagtungo ang nanay ng biktima na si Florenda Andres sa bahay ng biktima subalit nagulat na lamang ito nang makita na nakahandusay sa sahig si Armando Andres.


Dahil dito ay agad na ipinaalam sa kanilang punong barangay na si Michael Cogay ang insidente na agad namang inireport sa Santiago City Police Station 2.

Sa pagsisiyasat ng PNP kasama ang SOCO Team ay napag-alaman na may iniindang sakit sa puso ang naturang biktima.

Facebook Comments