Magsasaka pinagbabaril patay sa Makilala North Cotabato

Patay ang isang magsasaka ng itoy makipagbuno sa kapitbahay hanggang sa mabaril sa Sitio Puso, Barangay Sinkatulan sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng , North Cotabato alas 9:20 kahapon ng umaga Jan 1 Kinilala ang nasawing biktima na si Bandino Danila, 50-anyos, may asawa, isang rubber tapper at residente ng lugar.
Kinilala naman ang suspect na kanyang kapitbahay na si Michael Omapas.. Sa report ay nakipag-inuman si Danila kasama ang tatlong iba pa ng nakiusap kay Omapas na bigyan sila ng dagdag na inumin.
Subalit sa halip na alak, isang litro umano na gasolina ang ibinigay ni Omapas dahilan para magalit si Danila. Hanggang sa nagtalo at nagkainitan ang dalawa. Hanggang sa nabaril ng suspek ang biktima.
Mabilis namang tumakas ang suspect na si Omapas na ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng kapulisan(Amer Sinsuat)
.

Facebook Comments