Magsasaka, Pinaghahanap ng Batas Matapos Masamsaman ng mga Baril!

*Angadanan, Isabela- *Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang isang magsasaka matapos na masamsaman ng mga iligal na baril sa kanyang tahanan sa Brgy. Rang-Ayan, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Felipe Aguilar Jr., nasa hustong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), ganap na alas 10:00 kaninang umaga nang isilbi ang Search Warrant laban kay Aguilar na ipinalabas ni hukom Reymundo L Aumentado ng RTC Second Judicial Region, Cauayan City, Isabela kung saan narekober ng mga otoridad ang isang rifle grenade, isang Kalibre at Magazine ng 8mm na may pitong bala.


Sa ngayon ay atlarge pa ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms *and* Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments