Magsasaka sa Aleosan nasabugan ng bitbit na granada

Sugatan ang isang 54 anyos na magsasaka sa bayan ng Aleosan matapos masabugan ng bitbit na Granada alas sais pasado noong gabi ng Sabado.

Sa report na ipinaabot sa DXMY ng Aleosan PNP, naitala ang insidente sa Brgy. Tomado Aleosan. Sinasabing aksidenteng sumabog ang granadang nasa bulsa lamang ng biktimang si Adriano Takandong Candole.

Nagtamo ng sugat sa bahagi ng kanyang dibdib ang biktima liban pa sa mga natamo nito sa kanang kamay.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nasa ilalim ng impluwensya ng alak si Candole ng sumabog ang bitbit nitong Granada.Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung bakit may Granada ang biktima.(ANGEL PIQUERO, NDU BACOM4)
GOOGLE PIC

Facebook Comments