Magsasaka sa Benito Soliven, Tinaga ng Kapwa Magsasaka!

Benito Soliven,Isabela – Pinagtataga ng kapwa magsasaka ang isang lalaki sa hindi malamang dahilan sa Barangay Danipa, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Aurelio Noche, tatlumpu’t pitong taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar samantala ang suspek ay kinilala na si Fernando Quilang, kwarenta anyos, may asawa at residente ng Libertad, San Mariano, Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi sa RMN Cauayan, nagpapahinga umano ang biktima sa gilid ng isang maliit na tindahan nang biglang lumapit ang suspek na may dalang itak at sa hindi malamang dahilan ay basta lamang pinagtataga si Noche at lumayo  sa lugar ang suspek.


Sa resulta nagtamo ng taga sa binti ang biktima na kaagad namang dinala sa San Mariano Community Hospital para sa karampatang lunas.

Pinaghahanap parin hanggang sa ngayon ng kapulisan ang suspek ng pananaga sa naturang lugar.

Facebook Comments