MAGSASAKA SA BOLINAO, NAHULIHAN NG HIGIT ₱67K HALAGA NG SHABU AT BARIL

Nakumpiska ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱67,796.00 at isang baril sa isang magsasaka sa Barangay Catuday, Bolinao, Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court ng Alaminos City, , at sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Drug Enforcement Agency, na may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 9165.

Sa isinagawang paghahalughog sa bahay at paligid ng tirahan ng 44 taong gulang na magsasaka, nasamsam ang humigit-kumulang 9.97 gramo ng hinihinalang shabu.

Bukod dito, narekober din ang isang unit ng caliber .38 revolver at mga bala.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isinailalim sa dokumentasyon at turnover para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments