MAGSASAKA SA BUGALLON, TINAGA SA ULO ANG ISANG GINANG DAHIL SA PERSONAL NA ALITAN

Sugat sa noo at kanang kamay ang tinamo ng isang ginang matapos tagain ng nakainom na kapitbahay sa Brgy. Laguit Centro, Bugallon, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kapwa umiinom ng alak sa kani-kanilang bahay ang biktima at suspek nang biglang nagsisigaw at nanghahamon ng suntukan ang suspek sa harap ng bahay ng biktima.

Dahil dito, kinompronta ng biktima ang suspek na nauwi sa sagutan bago biglang tagain ng suspek ang ginang sa noo at kanang kamay.

Umawat ang mga kamag-anak ng dalawa bago dalhin ang biktima sa pagamutan.

Tumakas naman ang suspek dala ang ginamit na itak at patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad.

Napag-alaman na nag-ugat sa personal na alitan ng dalawa ang insidente.

Facebook Comments