Magsasaka sa Cabatuan, Isabela, Sugatan Matapos Ma-hit and Run!

Cabatuan, Isabela- Sugatan ang isang magsasaka matapos salpukin ang minamanehong motorsiklo pasado alas otso kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. Magdalena, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jaime Coloma Maltizo, 65 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Macalaoat, Cabatuan, Isabela habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na driver ng Forward Truck.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, binabaybay umano ni Maltizo ang nasabing lansangan patungong west direction ng mabangga ito ng paparating na Forward Truck.


Sa lakas ng impak ng pagkakabangga kay Maltizo ay nagtamo ito ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan at agad na isinugod sa pagamutan para sa kanyang kaukulang lunas.

Matapos mabangga ng suspek ang biktima ay dali-daling itong tumakas.

Samantala, patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad hinggil sa pangyayari.

Facebook Comments