Magsasaka sa Cagayan, Binaril sa Dibdib ng kanyang Kabarangay

.40 caliber hand gun being shot in the dark, isolated on black.

Cauayan City, Isabela- Nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang isang magsasaka matapos barilin sa dibdib pasado alas-otso (8:00) kagabi sa Brgy. Agaman, Sur, Baggao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Rolly Trondillo, 35-anyos, may-asawa habang kinilala ang suspek na si Jonathan Bilgera alyas ‘Budoy’, may-asawa at kapwa residente ng Brgy. Agaman Sur sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Baggao Police Station, pasado 8:00 kagabi ng magtungo ang suspek sa bahay ng biktima upang humingi at ilang saglit pa ng kanilang pag-uusap ay agad na binaril ng suspek gamit ang di pa matukoy na kalibre ng baril sa kanang bahagi ng dibdib ang biktima.


Nabatid na ang lugar ng insidente ay may kalayuan mula sa istasyon ng pulisya at hangganan ng Baggao-Gattaran.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang iba pang dahilan kung bakit binaril ng suspek ang biktima na agad namang tumakas pagkaraan ng insidente.

Facebook Comments