Magsasaka sa Cauayan City, Nangangamba sa Pananalasa ng Bagyong Ompong!

Cauayan City, Isabela – Labis na nangangamba ngayon ang mga magsasaka sa lungsod ng Cauayan dahil sa nagbabantang pananalasa ng bagyong ompong na maaring sumira sa kanilang mga pananim na palay, mais at mga gulay.

Sinabi ni City Agriculturist Rufino Arcega na maganda na sa ngayon ang mga pananim ng mga magsasaka kaya’t nalulungkot ang mga ito kung masisira lamang dulot ng ulan at pagbaha ng bagyong ompong.

Aniya mula sa mahigit kumulang na sampung libong ektarya ng taniman ng palay sa lungsod ay nasa labin limang porsyento pa lamang ang nakakaani habang sa mga maisan naman ay tinatayang nasa pitumpung porsyento ang posibleng masira dulot ng bagyong ompong.


Gayunman ay pinaalalahanan umano ni City Agriculturist Arcega ang lahat ng magsasaka na linisin na lamang ang mga daanan ng tubig upang maging maayos ang daluyan o pag-agos ng tubig baha.

Facebook Comments