Magsasaka sa Cordon Isabela, Bagsak Kulungan Matapos Manggulo, Baril at Marijuana, Nakumpiska!

Cordon, Isabela- Mahaharap sa patung-patong na kaso ang isang magsasaka matapos itong manggulo gamit ang isang baril at makuhanan pa ng marijuana sa brgy. Capirpiriwan, Cordon Isabela.

Kinilala ang suspek na si Bernardo Basilio, 46 anyos, magsasaka at residente ng brgy. Gayong, Cordon Isabela.

Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, isang barangay kagawad umano ang nagbigay alam sa mga nagpapatrolyang pulis na mayroon umanong nanggugulo sa naturang barangay na may hawak na baril.


Agad naman umano itong nirespondehan ng mga pulis at nagresulta naman ito sa pagkakadakip ni Basilio kung saan ay napag-alamang positibo pa ito sa alak.

Samantala, nakuha mula sa pag-iingat nito ang isang dan wesson caliber 38 special at ng kapkapan pa ito ng mga pulis ay nakuha pa sa kanyang bag ang dalawang foil na naglalaman ng hinihinalang marijuana.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Cordon si Basilio at inihahanda narin ang kasong kakaharapin nito partikular ang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments