Magsasaka sa Delfin Albano, Sinaksak ang Kanyang Kapatid!

93

Delfin Albano, Isabela- Agad sumuko ang isang lalaki matapos nitong saksakin ang kanyang sariling kapatid sa bayan ng Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang bikitima na si Esmenio Abanto Jr. 34 anyos, may-asawa samantalang kinilala naman ang suspek na si Reychard Abanto, 28 anyos, may-asawa at magsasaka mga pawing residente ng Brgy. Villa Pereda, Delfin Albano Isabela.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News Team, dali-dali umanong nagsadya sa tanggapan ng PNP Delfin Albano ang tatlong barangay tanod mula sa naturang barangay upang ipagbigay alam ang insidente ng pananaksak na agad namang nirespondehan ng kapuisan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Delfin Albano, pawang nakainom umano ang dalawa ng bigla ay hindi sila nagkaunawaan dahilan upang magtalo kaya’t umalis ang suspek na agad din namang sinundan ng kanyang kapatid na si Esmenio at itinulak sa pader.

Samantala, agad ding binunot ng suspek ang kanyang daladalang kutsilyo mula sa kanyang baywang at sinaksak ang bahaging tiyan ni Esmenio.

Matapos masaksak ng suspek ang biktima ay agad din naman umano itong sumuko at dinala sa kustodiya ng PNP Delfin Albano para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments