Magsasaka sa Gamu, Arestado!

Gamu, Isabela – Naaresto ng kapulisan ang isang magsasaka sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Attempted Homicide sa Purok 3, Upi, Gamu, Isabela, pasado alas sais ng umaga kahapon, May 31,2018.

Sa impormasyong ipinarating ng Isabela Police Provincial Office sa RMN Cauayan, kinilala ang akusado na si Romulo Adelan, apatnaput tatlong taong gulang, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Kaugnay nito, nagsagawa ng operasyon ang ilang tauhan ng PNP Gamu sa naturang lugar at matagumpay na naaresto si Adelan.


Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni hukom Angerico B. Ramirez, Presiding Judge ng MCTC ng Gamu, Isabela na may nairekomendang halaga na Php36,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ni Romulo Adelan.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP Gamu ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon.

Facebook Comments