Magsasaka sa Jones, Isabela, Huli sa Pang-aabuso!

*Jones, Isabela- *Arestado ang isang magsasaka matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Malannit, Jones, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Arnel Songcuan, 48 anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, naaresto ng mga kasapi ng PNP Jones si Songcuan sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Anti Child Abuse Law.


Dinala na sa PNP Jones ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Pansamantalang makakalaya si Arnel Songcuan kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansa na nagkakahalaga ng walumpung libong piso (80,000.00).

Facebook Comments