Malasiqui, Pangasinan — Isang 40-anyos na magsasaka ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang silid sa Brgy. Asin West, Malasiqui, Pangasinan, nitong Linggo ng umaga, Hulyo 6, 2025.
Kinilala ang biktima na si alyas “Alot,” may asawa at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat ng Malasiqui Police Station, bandang alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ng ina ng biktima ang katawan nito na nakabitin gamit ang nylon cord sa loob ng kanyang kwarto.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nakararanas umano ng matinding emosyonal na paghihirap si Alyas Alot bunsod ng problema sa pamilya, matapos umalis ang kanyang asawa kasama ang kanilang mga anak.
Nakarekober rin sa lugar ang isang sulat, na naglalaman ng kanyang saloobin bago ang insidente.
Wala namang nakitang palatandaan ng foul play sa katawan ng biktima, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.
Kinumpirma ng pamilya na si Alyas Alot ay ilang araw nang tahimik at hindi mapakali bago ang trahedya.
Dinala na ang labi sa isang purenarya sa Brgy. Poblacion, Malasiqui para sa kaukulang proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









