Magsasaka sa Mallig, Isabela, Inaresto ng mga Otoridad!

*Mallig, Isabela- *Arestado ang isang magsasaka na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy Siempre Viva Norte, Mallig, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Julius Calixtro, 37 anyos, binata at residente ng Brgy Siempre Viva Norte, Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, pasado alas singko kaninang hapon nang maaresto ng mga kasapi ng PNP Mallig si Calixtro sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Imelda Cosalan ng MTCC, Branch 1, San Fernando City, La Union dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property.


Dinala sa himpilan ng PNP Mallig ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at pansamantala itong makakalaya kung makakapag piyansa ng halagang P30,000.00.

Facebook Comments