Nakumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱11,560 isang magsasaka matapos arestuhin ng mga awtoridad sa bayan ng Natividad, Pangasinan, Enero 7, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng Natividad Municipal Police Station sa bisa ng search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.
Sa isinagawang paghahalughog sa bahay at bakuran ng suspek, narekober ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 1.7 gramo.
Bukod dito, nakumpiska rin ang iba’t ibang non-drug evidence kabilang ang mga bakanteng plastic sachet, aluminum foil, at iba pang drug paraphernalia.
Isinagawa ang marking at imbentaryo ng mga ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng mga itinatakdang saksi at ng suspek, alinsunod sa itinakda ng batas.
Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa naarestong indibidwal.








