Magsasaka sa Pangasinan dumadaing sa mababang bentahan ng palay

Dumadaing ngayon ang mga grupo ng magsasaka sa Pangasinan matapos makapagtala ng napakababang bentahan ng palay sa merkado.

Ayon kay Saturnino Distor, presidente ng Philippine Tobacco Growers Association na naibebenta ng mga magsasaka ang kanilang mga ani ng palay na 12 pesos kada kilo na lumalabas na ang net profit ng bawat magsasaka na P4,000 lamang kada ektarya na umano’y sobrang baba nito kumpara noong mga nakaraang taon. Iba pa umano ang kita ng magsasaka na nakikisaka lamang na wala na umanong kita.

Dagdag pa nya na sana ay magkaroon ang National Food Authority ng mga pwedeng pagbentahan ng mga aning palay ng magsasaka sa bawat munisipyo at bayan dahil sa NFA ay nakakapagbenta sa ahensya ng hanggang P17 kada kilo at mas makakatipid sa kanilang mga travel cost.


Ang pagbagsak ng presyo ng palay umano ang unti unti magpapahina ng kanilang produksyon ng palay sa lalawigan at para sa karatig lugar.

Facebook Comments