Magsasaka sa Quezon, Isabela, Arestado sa Pangangarnap!

41

*Tabuk City, Kalinga- * Bagsak na sa kulungan ang isang magsasaka na wanted sa batas matapos silbihan ng warrant of arrest sa Brgy. Malalao, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang naaresto na si Joel Abenoja, 41 anyos, may asawa at residente ng Brgy Callangigan, Quezon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Quezon ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Br 23 Roxas, Isabela dahil sa kasong Carnapping na inirekomendang piyansa na P300,000.00.

Nasa kustodiya na ng Quezon Police Stationa ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments