Magsasaka sa Quezon, patay nang suwagin ng sariling kalabaw

Agad nasawi ang isang magsasaka matapos itong suwagin ng kanyang alagang kalabaw, sa Calauag, Quezon nitong Martes.

Ayon sa Calauag Municipal Police Station, ikinamatay ni Ruperto Panaligan, 58 anyos. residente ng Brgy. Kalibu, ang natamo nitong pinsala sa dibdib.

Pakakainin daw sana ni Ruperto ang alaga sa damuhan nang bigla itong magwala matapos makakita ng babaeng kalabaw, at saka na nito sinuwag ang amo.


Naganap ang insidente bandang alas-9 ng umaga sa Brgy. Binutas.

Wala namang pahayag ang biktima ng nasawi.

Facebook Comments