Magsasaka sa San Mariano, Isabela, Pinagbabaril-Patay!

*San Mariano, Isabela-* Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek sa brgy Del Pilar, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Judy Boy Yadao Mallari, 52 anyos, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP San Mariano na nagtungo umano sa kanyang bukid ang biktima at habang nagtratrabaho ay bigla na lamang itong nilapitan at pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek.


Nagtamo ng tama ng baril sa ulo at kawatan ang biktima dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa ngayon ay kasalukuyan ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa naturang insidente kung saan away sa lupa ang isa sa tinitignang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments