MAGSASAKA, SINAKSAK ANG KALAGUYO NG LIVE-IN PARTNER MATAPOS UMANONG MAHULING NAKIKIPAGTALIK

Nasawi sa pananaksak ang isang lalaki matapos umanong maaktuhan ang pakikipagtalik nito sa kanyang kalaguyo sa Bayambang, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, sinumbong umano ng anak ng suspek ang nanay nito na may katalik ito sa kanilang bahay dahilan upang magmadaling umuwi.

Naabutan ng suspek ang aktong pagtatalik ng dalawa sa palikuran ng sariling bahay.

Dahil dito, hindi na umano napigilan ng suspek na saksakin ang biktima.

Tumakas ang suspek pagkatapos ang insidente ngunit agad din naaresto ng pulisya at narekober din ang ginamit na patalim.

Samantala, itinakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments