Sugat sa dibdib at likod ang tinamo ng isang 24 anyos na magsasaka matapos saksakin ng kainuman sa dapat lang sana’y masayang inuman matapos na saksakin ng kainuman sa San Nicolas, Pangasinan
Ayon sa mga saksi, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang anim pang indibidwal nang biglang magtalo ang dalawa.
Sa gitna ng alitan, biglang bumunot ng patalim ang suspek mula sa kanyang kanang bulsa at sinaksak ang biktima.
Nagtamo ang biktima ng mga saksak sa dibdib at likod dahilan upang agad siyang isugod ng kanyang mga kaanak sa ospital.
Tumakas naman ang suspek dala ang ginamit na patalim at ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.
Patuloy namang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng San Nicolas Police Station upang madakip ang tumakas na suspek at mapanagot ito sa batas.









