Kasalukuyang nagpapagaling ang 42 anyos na magsasaka matapos barilin ng kainuman, maga-alas diyes ng gabi noong Sabado, sa Brgy. Pisuac, Urbiztondo, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na bigla na lamang binaril ng suspek ang biktima sa gitna ng mainit na pagtatalo habang nag-iinuman.
Tinamaan sa likod ang biktima na agad naisugod sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling.
Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente ngunit kalaunan ay naaresto ng awtoridad sa kanyang tahanan sa Brgy. Malayo.
Kinompirma naman ng Urbiztondo Police Station na sasampahan ng biktima ang suspek ng Frustrated Murder dahil sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments
