
Sugatan ang isang 27-anyos na magsasaka matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Umingan, Pangasinan noong gabi ng Pebrero 12, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na kapwa residente ng Nueva Ecija.
Sa gitna ng argumento, bigla umanong nilapitan ng suspek ang biktima at pinagsasaksak ito nang ilang beses.
Nagtamo ng mga tama ng saksak sa likod at hita ang biktima at agad na isinugod sa Umingan Community Hospital kung saan siya kasalukuyang ginagamot.
Samantala, tumakas ang suspek patungo sa hindi pa matukoy na direksyon at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Facebook Comments










