MAGSASAKA, SUGATAN SA SALPUKAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA VILLASIS

Sugatan ang isang babaeng magsasaka matapos masangkot sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng kalsada habang ang isa pang motorsiklong minamaneho ng hindi pa nakikilalang babae ay nasa outer lane.

Bigla umanong lumiko pakaliwa ang ikalawang motor upang pumasok sa isang kalye, dahilan upang salpukin siya ng paparadang motor ng biktima.

Dahil sa lakas ng banggaan, tumilapon ang biktima sa kalsada at nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad siyang isinugod sa pagamutan para sa agarang lunas.

Samantala, mabilis na tumakas palayo ang driver ng kabilang motorsiklo at iniwan ang sugatang biktima.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang napinsalang sasakyan habang patuloy pa rin ang paghahanap ng pulisya sa tumakas na driver upang mapanagot sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments