Magsasaka, Timbog sa kasong Pagpatay

107

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang Top 2 Wanted Person Provincial Level sa Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jimmy Agliam, 42 anyos, may asawa, magsasaka at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Guillermo, dinakip ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto nito na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Bonifacio Ong ng RTC Br. 24 Echague Isabela para sa kasong Murder sa ilalim ng criminal case no. 24-3045 habang wala naming inirekomendang piyansa laban sa akusado.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan si Agliam bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments