MAGSASAKA, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng tinaguriang street level individual matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Purok 5, Brgy. Sto. Domingo, Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si alyas “Abe”, 43-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Naaresto si alyas “Abe” matapos bentahan ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kung saan nasamsam sa kanya ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu, iba’t-ibang drug paraphernalias at non-drug items.


Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ngayon, ang suspek ay nasa pangangalaga ng Bambang Police Station para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments