Magsasaka, Tinaga sa Leeg ng kanyang nakainuman, Patay

1589

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang magsasaka matapos itong tagain sa kanyang kanang leeg ng kanyang nakainuman pasado 4:00 ng hapon kahapon, March 24, 2020 sa Barangay Jurisdiction, Lal-lo, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Rufu Abel Sr., 57 anyos at residente ng Brgy. Jusrisdiction, Camalaniugan, Cagayan habang ang suspek ay nakilalang si Rolly Rosario 57 anyos, residente ng Brgy. Fusina.
Ayon kay PMAJ. Raymund Asistores, Hepe ng Lal-lo Police Station, lumalabas sa imbestigasyon na papunta sana sa kanyang sakahan ang nasabing biktima pero bago pa man makarating ito sa kanyang destinasyon ay niyaya ito ng suspek na uminom kasama ang tatlo pang kaibigan ng suspek na kanya naman itong pinagbigyan.
Dagdag pa ng hepe, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang nag-agawan ito sa itak at aksidenteng napuruhan sa kanang tuhod at kaliwang kamay ang suspek.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na dahil sa matinding kalasingan ay nataga ng suspek ang leeg ng biktima na halos mahiwalay sa kanyang ulo.

Napag-alaman na wala na ang mga kainuman ng dalawa bago pa man mangyari ang insidente.

Nahaharap sa kasong Homicide ang suspek habang nagpapagaling ito sa isang pagamutan.

Facebook Comments