Magsasaka tinaga sa ulo sugatan

27

Nasugatan sa ulo ang isang magsasaka ng itoy tagain ng isa ring magsasaka na naganap sa Sitio Dao, Brgy Salasang, sa bayan ng Arakan sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Roberto Baylosis Moneva, 50 anyos, magsasaka habang ang suspek ay kinilalang si Jaymar Gudayon, 29 anyos may-asawa at isa ring magsasaka.
Hindi pa alam ang sanhi ng pananaga ng suspek sa biktima gamit ang lagaraw .
Isinugod naman sa pagamutan ang biktima upang lapatan ng lunas habang tinutugis ng pulisya ang tumakas na suspect.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments