Magsasakang Gumahasa sa Sariling Anak, Natimbog sa San Agustin, Isabela!

Roxas, Isabela – Natimbog ng mga otoridad ang isang magsasaka na gumahasa ng sariling anak at menor de edad matapos isilbi ang kanyang Warrant Of Arrest dahil sa kasong 3 counts of Statutory Rape at Top 7 Most Wanted Person sa Masaya Centro, San Agustin, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Engelbert Bunagan, hepe ng Roxas Police Station, bunsong anak umano ang ginahasa ng akusado na si Lucas Camaddu, kwarentay kwatro anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Muñoz West, Roxas, Isabela.

Sinabi pa ni Police Chief Inspector Bunagan na dalawang anak ang ginahasa umano ni Camaddu ngunit hindi na nagreklamo ang isa sa mga bata at aniya’y ginagawa umano ng akusado ang panggagahasa sa kanyang anak habang nagtitinda sa palengke ang asawa nito.


Samantala, inaresto ng mga kasapi ng PNP Roxas si Camaddu sa bisa ng Mandamiento de Arresto na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela at walang nairekomendang piyansa para sa kanyang kinakaharap na kaso.

Facebook Comments