Arestado ang isang magsasaka matapos mag-amok sa Brgy. Casaratan, San Nicolas, Pangasinan.
Ayon sa ulat ng pulisya, inireklamo ng mga residente ang suspek dahil sa malakas nitong pagsisigaw at paghahamon ng away sa lugar. Agad namang rumesponde ang mga pulis upang awatin ang lalaki.
Nang-awatin ito ng pulisya, umamba umano ang suspek na sasaktan ang mga pulis gamit ang hawak nitong pala.
Lumalabas na lasing umano ang suspek nang mangyari ang insidente. Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 151 o Resistance and Disobedience to a Person of Authority. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments