Wednesday, February 25, 2026

MAGSASAKANG NAGMAMANEHO NG KULIGLIG, NABANGGA NG PAPARATING NA SUV SA STO. TOMAS, PANGASINAN

Isang 57-anyos na magsasaka ang sugatan matapos mabangga ng isang itim na SUV ang kanyang kuliglig sa Barangay San Antonio, Sto. Tomas, Pangasinan kahapon ng madaling araw, Pebrero 24.

Ayon sa paunang imbestigasyon, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng provincial road sa nasabing barangay pasilangan. Paparating umano mula sa likuran ang itim na SUV at hindi napansin ang kuliglig dahil wala umano itong tail light sanhi ng tuluyan nitong pagkakabangga sa biktima.

Dahil dito, nagtamo ng sugat ang magsasaka at agad na dinala sa ospital. Nasira rin ang dalawang sasakyan at dinala sa ospital.

Pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga motorista, lalo na ang mga gumagamit ng kuliglig o mabagal na sasakyan, na tiyaking gumagana ang ilaw at reflectors upang maiwasan ang aksidente, at manatiling alerto sa kalsada para sa kaligtasan ng lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments