Magsasakang Nahulihan ng mga Baril, Bala sa Cagayan, Kinasuhan na

Cauayan City, Isabela- Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang magsasakang nasamsaman ng malalakas na uri ng baril at bala sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Nahuli si Martin Macutay, 42 taong gulang na residente ng brgy. Dodan, Aparri, Cagayan nitong ika-15 ng Nobyembre 2021 sa pamamagitan ng Search Warrant na isinilbi ng mga otoridad sa kanyang tahanan.

Ito’y matapos mapag-alaman ng mga otoridad na may mga itinatagong armas ang suspek sa kanyang bahay.


Nakuha sa pag-iingat ni Macutay ang SHOOTER Uzi X9 Cal. 9mm; isang magazine ng Uzi Cal. 9mm; isang ARMSCOR Cal. 45 pistol; isang magazine para sa caliber .45; siyam (9) na bala ng Cal. 45; isang Cal. 38 revolver; dalawampu’t-apat (24) na bala ng Cal. 9mm; pitong (7) bala ng Cal.38 revolver; dalawang (2) magazine para sa cal.45 at isang plastic container.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Aparri Police Station ang suspek.

Facebook Comments