Magsasakang Nanutok ng Baril sa isang Pulis, Arestado

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang magsasaka matapos nitong tutukan ng baril ang isang kasapi ng Tuguegarao City Police Station kagabi sa Caritan Sur, Tuguegarao City.

Kinilala ang suspek na si Ramon Enciso Amorsolo Jr., 39-anyos, may-asawa at residente ng Centro 1, Lasam, Cagayan.

Ayon sa PNP report, si PSSg Gerald Gonzaga na Intelligence Operative ng Tuguegarao City Police Station ay lulan ng kanyang motorsiklo papunta sa presinto sa Don Domingo ng itutok ng suspek na nakamotorsiklo ang bitbit na baril.


Dahil dito, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad na nagresulta ng pagkakaaresto kay Amorsolo.

Nakumpiska naman sa kanyang pag-iingat ang caliber 45 na may lamang 10 bala, black pistol holster; 15 live Ammunition; black sling bag; 1 pair black gloves; 2 pieces assorted t-shirts; 1-piece black helmet; 1 piraso ng olive green police t-shirt; 1 piece cream jacket; 1-unit black honda XRM 125 single motorcycle; at 1-unit black Nokia keypad cellphone.

Nahaharap sa kasong Direct Assault at RA 10591 ang suspek na nasa kustodiya ng suspek.

Facebook Comments