Magsasakang No. 1 Top Most Wanted sa Batas, Arestado, Shabu at Marijuana, Nasamsam!

Alicia, Isabela- Mahaharap sa patung patong na kaso ang isang magsasakang number 1 top most wanted sa batas matapos madakip ng kapulisan sa Brgy. Cabaritan, San Manuel, Isabela.

Ito ay matapos pangunahan ni Police Chief Inspector Darwin John Urani, hepe ng PNP Alicia ang pag-aresto sa akusadong si Rodolfo Baquiran Jr., 30 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng brgy. Bonifacio, Alicia, Isabela.

Dinakip si Baquiran matapos magpalabas ng mandamyento de aresto si hukom Ariel Palce ng RTC branch 40 at si hukom Bonifacio T. Ong naman ng RTC branch 24 sa mga kasong Murder, Carnapping at Robbery.


Samantala, habang inaaresto umano ng kapulisan si Baquiran ay nasamsaman pa ito ng dalawang sachet ng shabu at isa pang plastic sachet ng marijuana.

Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya si Baquiran maging ang mga ebidensyang nasamsam at ngayon ay nahaharap pa sa kasong paglabag sa RA 9155 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments