Magsasakang wala namang sinasaka, Pinaiimbestigahan ng DA Region 2

Cauayan City, Isabela- Pinaiimbestigahan ng Department of Agriculture (DA) Field Office 2 ang ilang reklamo sa umano’y pagbebenta ng ilang residente o magsasaka sa mga natatanggap na binhi mula sa ahensya na hindi dapat gawin ng isang indibidwal.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo, kung mapatunayan na may paglabag ang mga ito ay otomatikong tatanggalin upang hindi na mapasama pa sa tatanggap ng ayuda mula sa ahensya.

Aniya, malaki ang gampanin ng mga City/Municipal Agriculture Office sa usaping ito para masigurong walang mangyayaring pandaraya sa mga mabibigyan ng libreng binhi.


Samantala, maaari pa rin na matugunan ang pagpapanatili ng magandang ani ng palay sa pamamagitan ng paglalagay ng sapat na fertilizer para sa mga imbred at hybrid.

Ipinunto pa ng opisyal na mayroong pagpipilian na paraan gaya ng pagbili na Buy 2 Take 3 para sa hybrid na pwede rin namang mareimburse sa mga accredited cooperative na kabilang ang isang magsasaka habang Buy 2 Take 2 sa mga imbred na kinakailangan na bumili ng dalawang eurya.

Para naman mas mabilis na makatugon ang ahensya sa mga reklamo ukol sa umano’y pagtanggap ng mga magsasaka ng libreng binhi ngunit wala namang sinasaka ay mangyaring direktang makipag-ugnayan sa kanilang facebook page (DA Cagayan Valley).

Facebook Comments