MAGSASAMA-SAMA | Kilos protesta, ikakasa ng mga tagasuporta ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno bukas

Manila, Philippines – Isang kilos protesta ang ikinasa ng mga tagasuporta ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Biyernes kasabay ng botohan ng quo warranto petition laban sa kaniya.

Tinawag ng coalition for justice, na binubuo ng 60 grupo mula sa iba’t ibang sektor, ang kanilang protesta na isang “Jericho March” na magsisimula alas-4:00 ng madaling araw sa harap ng Korte Suprema sa Padre Faura, sa Maynila.

Giit nila, dapat ibasura ang quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General dahil batay sa saligang batas, tanging impeachment lang ang paraan para paalisin sa puwesto ang punong mahistrado.


Facebook Comments