Manila, Philippines – Bineberipika na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang impormasyong nagsanib pwersa na ang 23 mga armadong grupo sa bansa para bumuo ng ISIS Philippines.
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Bienvenido Datuin, may natatanggap na silang report kaugnay dito.
Kaya naman nakatutok na ang kanilang intelligence unit partikular ng kanilang mga tauhan sa ground para makumpirma ang impormasyon.
Naniniwala si Datuin na dapat ay hindi binabalewala ang mga ganitong impormasyon.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na rin sila sa Philippine Coastguard at Philippine National Police para makumpirma ang report.
Kabilang sa 23 armadong grupop ay ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Ansharul Khilafa Philippines Battalion, Bangsamoro Justice Movement, Khilafa Islamiya Mindanao (KIM) at Abu Sayyaf Group (Hapilon faction).