Manila, Philippines – Tinanggal na ng National Youth Commission (NYC) ang anomang koneksyon o suporta nito sa tanggapan ni Senador Bam Aquino para sa TAYO Youth Awards o Top Ten Accomplished Youth Organization Awards.
Sa press briefing sa Malacanang ay sinabi ni NYC Officer-In-Charge Ronald Cardema na ito ang naging desisyon sa naganap na regular commissioners meeting.
Sinabi nito na ang 1.7 million pesos na kontribusyon ng NYC para sa TAYO Youth Awards ni Senador Aquino ay ilalaan nalang nila sa itatatag nilang Government Youth Awards.
Tatawagin aniya nila itong President Rodrigo Roa Duterte Youth leadership Awards na ibibigay sa mga natatanging youth leaders at youth organizations.
Facebook Comments