MAGSISILBI | PPCRV AT NAMFREL, napili bilang Citizen’s Arm ng COMELEC para sa barangay at SK elections

Manila, Philippines – Magsisilbing Citizen’s Arm ng Commission on Elections para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa susunod na Linggo ang National Movement for Free Elections at Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Ito ay batay sa tatlong pahinang minute Resolution ng COMELEC na pirmado ng mga miyembro ng Commission En Banc.

Nakasaad sa Resolusyon na alinsunod sa COMELEC Resolution No. 10211 na naglalaman ng General Instructions para sa mga miyembro ng Electoral Board at Barangay Board of Canvassers, ang mga citizens’ arms na nabigyan ng accreditation noong May 2016 National and Local Elections ay hindi na kailangang mag-apply ng accreditation para sa Barangay at SK Elections.


Batay sa rekumendasyon ni Commissioner Luie Guia, kinilala ng COMELEC ang PPCRV at NAMFREL ang matagal nang rekord ng dalawang poll watchdog bilang Citizens’ Arm ng komisyon na nakapag-ambag sa kredibilidad ng mga idinaos na eleksyon.

Ang mga accredited citizens arm ang katuwang ng COMELEC sa pagsasagawa ng voters education, pagbabantay sa mga polling precinct, pagbibigay-ayuda sa mga botante sa araw ng eleksyon lalo na sa mga nakatatanda, buntis at persons with disabilities; at pagmonitor sa campaign finance o gastos sa pangangampanya.

Facebook Comments