MAGSUMITE NG EBIDENSYA | Rappler CEO Maria Ressa, ipina-subpoena ng NBI

Manila, Philippines – Pinadalhan na ng subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Rappler Chief Executive Officer (CEO) Maria Ressa at dating reporter na si Reynaldo Santos Jr. para sagutin ang mga reklamong may kaugnayan sa cybercrime.

Pinasisipot ang mga ito sa NBI headquarters sa Ermita, Maynila at pinagsusumite ng ebidensya sa Lunes, Enero 22, alas-10:00 ng umaga.

Nag-ugat ang subpoena matapos maghain ng reklamo ang Chinese – Filipino businessman na si Wilfredo Keng na naging subject ng isang investigative report ng Rappler noong 2012.


Batay sa report ni Santos, isasangla ni Keng ang kanyang itim na Sports Utility Vehicle na Chevrolet suburban kay dating Chief Justice Renato Corona.

Bagaman inamin ni Keng na pag-aari niya ang plakang Z-W-K 111, hindi naman aniya siya ang nagmamay-ari ng SUV na ginamit ni Corona.

Facebook Comments