Mariing pinayuhan ngayon ng Pangasinan Health Office ang publiko partikular na sa mga lugar na masusukal sa lalawigan na pinamamayahan ng dengue virus na magsuot ng mahahabang damit kontra dengue.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Dra. Anna De Guzman, PHO Health Officer dahil panahon ng tag-ulan iwasan ang magsuot ng mga maiiksing kasuotan upang hindi makagat ng lamok. Mainam aniya na magsuot na lamang ng mahahabang manggas at pantalon dahil malamig naman ang panahon.
Payo rin De Guzman na gumamit ng mosquito repellant, maagang konsultasyon at huwag mag self medicate. Sa ngayon nasa 3, 559 na ang kaso ng dengue sa lalawigan at 10 na ang nasawi. Nangunguna sa may malaking bilang ang bayan ng Bani na dati ay nasa 66 at ngayon ay nasa 205 na.
Facebook Comments