Manila, Philippines – Plano ng pamunuan ng Department of Justice (DOJ) na maglalagay ng spokesperson ang Department of Justice (DOJ) upang mabigyan ng agarang access ang media sa mga impormasyon nais iparating ng kagawaran sa publiko.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi nangangahulugan na aniya na hindi na siya kailangang magsalita sa mga sensitibong usapin dahil maaari pa naman siyang i-text o tawagan ng media upang linawin ang mga isyung nais nilang maliwanagan.
Paliwanag ni Secretary Guevarra ang planong paglalagay ng tagapagsalita ng kagawaran ay upang mapabilis lamang ang impormasyon at hindi maguguluhan dahil iisa lamang ang magpaparating ng mga sensitibong usapin.
Giit pa ni Guevarra na mayroong mga legal at sensitibong isyu na kailangan siya mismo ang magpapaliwanag sa media upang direktang malalaman ng publiko ang mga isyung nais nilang matuldukan.